24- Year-Old Netizen Di Umanoy Biological Son Ni John Regala

Isang 24-year-old Netizen ang nagpakilalang di umanoy anak ni John Regala. Ayon sa binatang taga Tanauan, Batanggas ay sya daw ay biological son ng beteranong aktor.

Usap usapan ngayon sa social media ang paglitaw ng isang lalaki na nagngangalang John Santos. Ayon sa website na Pep.ph  ay matagal na daw gustong makilala ni John Santos ang kanyang ama na si John Regala ngunit hindi daw sya mabigyan ng tamang pagkakataon para makita ng harapharapan ang kanyang ama.





Alam naman ng marami na may iniindang karamadaman si John Regala ngayon. Sa mga viral na larawan na kumalat sa internet, mapapansin ang payat na pangangatawan ni John Regala.  Ayon sa mga sources, meron daw sakit sa atay ang aktor. Sa isang panayam kay John Regala, binanggit nya na iniwan na sya ng kanyang asawa. Halos napabayaan na rin nya ang kanyang pagpapagamot dahil sa kakulangang financial.

Hindi ugali ni John Regala ang manghinge ng tulong, madalas daw kasi sya ang tumutulong sa kanyang kapwa. Pero sa pagkakataong ito, ay lumalapit si John Regala sa lahat at nanghihinge ng tulong. Ilang araw na rin daw kasi syang hindi nakakakain ng maayos.

Isa sa mga hiling ni John Regala ay ang makita at makilala ang kanyang biological son. Kaya kapag nalaman ito ni John Regala ay matutuwa sya sa balitang ito.


Ayon Sa Pep.ph ay nagkakilala daw si John Regala at ang Ina ni John Santos sa Japan. Mapapansin din ang malaking pagkakahawig ng aktor na si John Regala sa binatang si John Santos. Maging sa tindig at pangangatawan ay Malaki rin ang pagkakapareho.

Sa panahon ngayon, madali na lang malaman kung totoo ngang mag ama sila sa pamamagitan ng DNA test. At kung totoo man, sana magkakilala at magkausap na sila ng personal.
24- Year-Old Netizen Di Umanoy Biological Son Ni John Regala 24- Year-Old Netizen Di Umanoy Biological Son Ni John Regala Reviewed by Boom on 9:59 AM Rating: 5

No comments