Cant Say No Challenge Ni Ivana, Trending Ngayon sa Social Media


Sa loob lamang ng ilang araw, umabot na sa milyon milyon ang views ng bagong video ni Ivana Alawi sa kanyang  Youtube channel.

Talaga namang marami ang nag aabang sa mga video na ipinopost ni Ivana Alawi sa kanyang Youtube channel.  Sa katunayan, meron na syang tumataginting na 7.8 million subscribers ngayon. Di malayong bago matapos ang taon, ay umabot ito ng 8 million subs. Ang galling diba?

Ang kanyang latest video na pinamagatang Cant Say No Challenge ay umabot agad ng tatlong milyong views. Sa video na ito ay mapapanuod natin ang typical na makulit na Ivana , pero sa pagkakataong ito, dahil sa challenge na binigay sa kanya ng kanyang kapatid na si Mona, ay kakaibang Ivana ang mapapanuod natin.

Isa sa mga highlights ng videong ito ay ang pagsayaw nya sa kanyang ina, na kahit ayon sa aktres/ vlogger ay di sya marunong sumayaw. Isa pa sa sa mga highlights ng video ay yung pinakain sya ng sili ng kanyang kapatid na lalaki. Nakakatuwa ang nagging reaksyon ni Ivana.

Sa challenge na ito, ay mas nakilala pa ng marami kung sino si Ivana. Kaya marami ang nagmamahal sa kanya dahil bukod sa pagiging maganda  nito ay meron din syang mabuting puso. Higit sa lahat, Ang dahilan kaya mahal na mahal sya ng mga pinoy ay dahil sa hindi matatawarang pagmamahal ni Ivana sa kanyang pamilya. More powers sa Youtube channel mo Ivana. Makakaasa ka na susuportahan ka naming.
Cant Say No Challenge Ni Ivana, Trending Ngayon sa Social Media Cant Say No Challenge Ni Ivana, Trending Ngayon sa Social Media Reviewed by Boom on 6:51 AM Rating: 5

No comments