Ivana Alawi Napaiyak Sa Takot Sa Prank Ni Mona


Napalundag sa kama si Ivana Alawi matapos makita ang hinandang prank sa kanya ng kapatid na si Mona. Talagang matatawa kayo sa video na ito dahil pati ang kanilang nanay ay di nila pinalagpas at ginawan din nila ng prank. Handa na ba kayong mapanuod ang  paghihiganti ni Mona?

Last time, tagumpay ang nagging prank ni Ivana sa nakababatang kapatid na si Mona. Ito nga ay yung akala ni Mona na ipprank nya ang ate Ivana nya pero sa huli ay sya pala ang ipprank. Kaya naman minabuti ni Mona na sa pagkakataong ito, magsosolo na lang sya sa pananakot sa ate nya.



Fun facts bago panuorin ang video, sinabi ni Mona na isa sa mga kinatatakutan ni Ivana ay ang mga Clowns. Ikinuwento din ni Mona Alawi ang matinding takot ng ate ni Ivana nung pinanuod nila yung Movie na IT. Kaya sigurado syang magiging successful ang prank nya na ito.

Unang sinubukan iprank ni Mona ay ang kuya nya. Habang gumagamit ng laptop ang kuya ni Mona, dahan dahan namang gumapang sa ilalim si Mona habang suot ang nakakatakot na maskara nito. Pero hindi nagging matagumpay ang kanyang pagpprank sa kanyang kuya. Dahil ayon sa kanyang kuya. Di daw sya matatakot kasi maliit daw  masyado si Mona.

Kahit bigo si Mona na iprank ang kanyang kuya, Tinuloy pa rin nya ang plano nya na takutin ang natutulog nyang ate na si Ivana. Kitang kita sa video na malalim at mahimbing ang tulog ng kanyang ate. Dahan dahan naming pumasok sa kumot si Mona habang suot ang maskara nya. Kaya nang magising si Ivana, ang nakakatakot na mukha ng clown ang una una nyang nakita.  Sobra ang takot ni Ivana at napatalon sya paalis ng kama. Matapos ito, napaiyak si Ivana at sinabing suko na daw sya. Si Mona na ang panalo sa kanilang dalawa.
Ivana Alawi Napaiyak Sa Takot Sa Prank Ni Mona Ivana Alawi Napaiyak Sa Takot Sa Prank Ni Mona Reviewed by Boom on 1:31 AM Rating: 5

No comments