Janella Salvador Inireklamo ng Kanyang Personal Assistant Sa Raffy Tulfo In Action

Mabilis kumalat sa social media ang balita na ang kapamilya actress na si Janella Salvador ay inireklamo sa Raffy Tulfo in Action.

Kilala ang Youtube channel ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action sa pagtulong sa mga naagrabyado. Mabilis at hindi pabagal bagal kung tumulong ang programa ni Raffy maging Filipino ka man o dayuhan, maging mayaman man o mahirap,walang pinipili si Raffy, basta nasa tamang katwiran ka. Kaya naman ay marami ang nagulat nang ang artistang si Janella Salvador ay ang inireklamo sa Raffy Tulfo in Action.

Lumapit ang Personal Assistant ni Janella Salvador kay Raffy Tulfo upang idaing ang kanyang reklamo . Ayon sa kanya ay kulang ang ipinasahod sa sa kanya sa kanyang amo na si Janella.

Para maging patas, sinubukan kunin nila Raffy Tulfo ang panig ng kapamilya actress . Pero mas pinili ni Janella Salvador na manahimik na lang  tunkol sa issue. Di rin nagtagal, naglabas ng official statement ang panig ni Janella Salvador. Sa kanyang Twitter account sinabi ng actress na gusto lamang syang perahan ng kanyang PA.

Nangako naman si Raffy Tulfo na tutulungan nya ang personal assistant ni Janella Salvador kung gustuhin nitong kasuhan ang aktres. Binigyan nya rin ng 5,000 pesos ang nasabing PA ni Janella. Hati ang opinyon ng mga netizens tungkol sa usaping ito.

Hindi si Janella Salvador ang kauna unahang artistang  inireklamo sa Raffy Tulfo In Action. Ang isa nga dito ay si Barbie Imperial. Ngunit , kabaligtaran ng kay Janella, dahil kung si Janella ay nanaihimik, si Barbie ay hinarap ang reklamo at sinubukang makipag ayos sa kanyang PA.

Janella Salvador Inireklamo ng Kanyang Personal Assistant Sa Raffy Tulfo In Action Janella Salvador Inireklamo ng Kanyang Personal Assistant Sa Raffy Tulfo In Action Reviewed by Boom on 1:36 AM Rating: 5

No comments