Nadia Montenegro At IBa Pang Artista Personal Na Bumisita Kay John Regala Para Mag Abot Ng Tulong

Sabi nga nila, makikilala mo raw kung sino ang totoo mong kaibigan kapag dumating ang panahon na ikaw naman ang mangailangan.

Pinakita ng artistang si Nadia Montenegro ang kanyang pagiging totoo sa kanyang kaibigan at katrabaho na beteranong Aktor na si John Regala.

kamakailan lang ay kumalat sa social media ang mga larawan ni John Regala na kung saan makikita ang kanyang payat na pangangatawan. Sa kasalukuyan, Si John Regala ay may karamdaman sa kanyang atay na kailangan ng medical na atensyon.

Kilala si John Regala bilang isa sa mga tinitingalang kontrabida sa mundo ng Filipino Movies. Masasabi na talagang naging successful ang kanyang career bilang artista. Ayon sa Kwento ng marami, mapagbigay dawn na tao itong si John. In fact, madali daw itong lapitan para hingian ng tulong.  Ilang taon ang lumipas, at ang kasikatan ni John Regala ay unti unting nawala. Kasabay nito, ang unti unti ring pagkawala ng mga kinikilala nyang kaibigan. Yung mga taong tinulungan nya nuon, ay nawala ng parang bula nung sya naman nangailangan. At ito ngang huli, ayon sa balita, Maging ang asawa John Regala ay iniwan na rin sya.

Ngayon nga na pumutok sa mga balita ang sitwasyon ngayon ni John Regala, maraming artista ang nagpaabot ng tulong sa aktor. Si Raffy Tulfo ay nag abot na ng tulong sa aktor at nangakong tutulong pa kay John Regala sa mga susunod na pagkakataon.








Si Nadia Montenegro naman, kasama ang ilang mga artista, ay personal na bumisita sa aktor para mag abot ng tulong. Ginawan nila ng bank account ang aktor para sa mga taong gusting mag abot ng tulong. Ayon sa kanila, sa kasalukuyan ay nabibigyan na ng sapat na medical na atensyon ang aktor. Sana magtuloy tuloy na ang pag galling mo John Regala
Nadia Montenegro At IBa Pang Artista Personal Na Bumisita Kay John Regala Para Mag Abot Ng Tulong Nadia Montenegro At IBa Pang Artista  Personal Na Bumisita Kay John Regala Para Mag Abot Ng Tulong Reviewed by Boom on 6:07 AM Rating: 5

No comments