Xander Ford May Inamin Tungkol Sa Kanyang Tunay Na Kasarian


Madalas natin marinig sa balita sa social media ang pangalang Xander Ford. Madalas kasi syang mapasama sa ibat ibang negative issues sa maingay na mundo ng social media. Kamakailan nga lang  ay nasangkot nanaman ito sa isang issue. Ang kanyang dating nobya ay nagpunta sa programa ng Journalist /  Vlogger na si Raffy Tulfo para ireklamo ang mga di umanong masasamang ginawa sa kanya ni Marlou Arizala. At sa muling pagkakataon, usap usapan naman si Xander Ford. Pero hindi na ito tungkol sa mga issue laban sa kanya. Sa pagkakataong ito, may inamin sa publiko si Xander Ford na talagang kinagulat ng lahat.

Xander Ford nanaman ? Oo Sya nanaman . Sya nanaman uli ang ating pag uusapan. Sa kanyang Facebook account, walang takot na iniladlad ni Marlou Arizala o mas kilala natin sa pangalang Xander Ford ang kanyang tunay na kasarian. Ayon sa kanyang post , ay nagpapahiwatig na sya ay kabilang sa LGBTQ community.

Sa mga hindi pa nakakaalam, Ang rainbow ay ang simbolo na madalas gamitin para salaminin ang kasarian ng mga taong nabibilang sa LGBTQ community. At sa isang post nga ni Xander Ford, ginamit nya ang emoji na rainbow para idescribe ang sarili nya.

Ang post ba niya na ito ay paglantad ni Xander Ford sa kanyang tunay na kasarian ? Or isa nanaman ito sa mga stratehiya ni Xander Ford para mapag usapan? Inulan naman nang ibat ibang  opinion ng mga netizens ang usaping ito. May mga naniwala, may mga hindi naniwala at meron din naming mga walang pake.




Matatandaan na dati ay nag post si Xander Ford tungkol sa pagiging bakla. Ayon sa kanya ay wala naming masama sa pagiging bakla, ang masama daw ay yung utak ng mga tao na hindi nawawalan ng masasamang masasabi.
Xander Ford May Inamin Tungkol Sa Kanyang Tunay Na Kasarian Xander Ford May Inamin Tungkol Sa Kanyang Tunay Na Kasarian Reviewed by Boom on 3:57 AM Rating: 5

No comments