Isang Groom Ang Nagalit sa Isang Wedding Singer Matapos Di Mapagbigyan Sa Request na 20 Na Kanta for Free


Isang groom ang trending ngayon sa social media matapos nitong magmura at magalit nang hindi mapagbigyan ng isang wedding singer ang kanyang request. Basahin  dito ang buong kwento.

Trending ngayon sa facebook ang post ni Patricia Joy PeƱano. Isang secret songer sa "I can see Your Voice " ng ABSCBN.  Sa kanyang post, naglalaman ito ng convo nila ng isang groom na gusto sya kuhanin bilang wedding singer.

Nagsimula ang kwento ng icheck ni Patricia ang kanyang inbox at nakita nya nga ang isang message galing sa hindi nya kilalang lalaki.

Sa pagbukas ni Patricia ng message, nabasa nya ang isang request para gawin syang wedding singer sa nalalapit nitong kasal. Agad naman nag reply si Patricia ng  "Sure na sure , pwede naman po"


Tila natuwa si Groom sa kanyang nabasa . Sinabi pa nito na huwag na mag praktis si Patricia dahil magaling naman na daw ito.  Bilang isang profesional singer, sinagod naman ito ni Patricia na kailangan pa rin daw nyang mag praktis dahil sayang naman daw ang ibabayad ng client sa kanya. 



Matapos magkasundo sa petsa, sa lugar, at sa dami ng kantang kakantahin . Tinanong ni Patricia si groom kung magkano ang budget nya para sa wedding singer. At laking gulat nya nang ito ang isagot sa kanya " hala may bayad pala ?"


Humirit pa si groom na kung pwede ay libre na lang. At kung gusto ni Patricia ay bibigyan na lang sya ni grrom exposure at libreng pakain sa kasal. Natawa naman si Patricia sa alok ni groom




 Nagpantig na ang tenga ni groom at kung ano ano nang masasakit na salita ang binitawan nya kay Patricia.



Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang usapan. Well, dinagsa naman ng opinyon ang post na ito ni Patricia. Sabi nga nila, kung talagang hinahangaan mo ang isang singer, suportahan mo sila sa mga ginagawa nila. Hindi yung minamaliit mo yung trabaho nila. Hindi biro ang pagkanta kaya , para maisagawa ito ng tama, kailangan din ng mga singer sa magpakapagod sa pag ppractice. Kaya tama lang na bayaran sila sa tamang halaga.

Isang Groom Ang Nagalit sa Isang Wedding Singer Matapos Di Mapagbigyan Sa Request na 20 Na Kanta for Free Isang Groom Ang Nagalit sa Isang Wedding Singer Matapos Di Mapagbigyan Sa Request na 20 Na Kanta for Free Reviewed by Boom on 2:43 AM Rating: 5

1 comment

  1. Grabi ka harsh nya magsalita, kalalaki nyang tao eh...

    ReplyDelete