Kinaibigan Lang Niya Dahil May Masama Siyang Balak Dito


Napakasarap nang feeling na merong taong nagmamahal sayo. Yung palaging nandiyan para sayo. Yung taong susuportahan ka kapag meron kang problema. Yung makakasama mo sa lahat ng mga trip mo.
Pero bakit nga ba, sa kabila ng napakasarap sa feeling ang magmahal, marami pa rin ang natatakot magmahal. Isa sa mga halimbawa ng mga taong takot na magmahal ay yung mga taong pinaasa. Narito ang isang maikling kwento tungkol sa babaeng natakot na magmahal dahil sa mga mapapait nyang karanasan  niya sa pag ibig. Panuorin ang video na inupload ng Youtube user na si Miss Whisperer.

Masakit isipin na nag eexist talaga sa mundo yung mga taong paasa sa pag ibig. Yung papa-ibigin ka tapos sa huli ay papaiyakin ka lang rin. Yung binigay mo na ang lahat, pero sila, parang walang kunsensya, eh bigla ka na lang iiwan. Masakit ka nya kung kelan mahal mon a eh saka naman sila mawawala tapos bigla na lang hindi magpaparamdam.


Pero alam mo yung pinaka masakit sa lahat ?  Yung nahulog ka na, pero hindi ka pala niya sasaluhin.  Mauuntog ka talaga , madadala at matatakot magmahal ulit. Kagaya ni ate sa video, ramdam ko ang lungkot at takot nya na magmahal ulit.

Pero sa kabila ng lahat, you can look at the brighter side. Kumbaga, hindi naman lahat negative. Kung iniwan ka niya, well isipin mo na lang na nilayo ka na ng Diyos sa maling tao, at isipin mo na the right person for you ay paparating na. Huwag ka matakot mag mahal ulit . Pero syempre bago ka magmahal ulit, kilalanin mo muna ang bawat taong darating sa buhay mo. Matuto ka na sa mga pagkakamaling ginawa mo. Huwag na maging tanga sa pagibig. Huwag lang puro puso, huwag din puro utak. Gamitin mong pareho ang puso at isip mo sa pag pili ng tao na makakasama mo.

“Grabe naka relate ako sa kwento, ang ganda ng mensahe. Worth sharing. Nag subscribe na ako kay Miss Whisperer. Sana kayo din. Looking forward sa mas marami niya pang video.

Kinaibigan Lang Niya Dahil May Masama Siyang Balak Dito Kinaibigan Lang Niya Dahil May Masama Siyang Balak Dito Reviewed by Boom on 2:40 AM Rating: 5

No comments