Hindi Madali Ang Long Distance Relationship , 5 Taon Na Umaasa Na Pakasalan Ng Boyfriend

Ang kwento ng bawat lovestory natin ay iba’t iba. Meron simple lang.  meron  sobrang saya , at meron din sobrang lungkot na kwento. Pero ang kwento ng mga nasa Long Distance Relationship ay talagang hahangaan mo.

Hindi madali ang buhay pag ibig ng mga nasa Long Distance Relationship. Madami silang pag subok na pinag dadaanan. May mga pagkakataon na gusto nila mayakap o kaya naman makita yung mahal nila pero hindi nila magawa yun kasi nga malayo sila sa isat isa. Kaya nga yung iba eh hindi na nakakatagal sa ganung uri ng relasyon kasi nga lapitin ng tukso. Pero meron ding mga matitiyaga at mga “Strong”. Hindi sila nagpatinag sa tukso at nilabanan nila ang lumbay at lungkot na dulot ng pagkakawalay sa taong mahal nila.

Narito ang isang maikling kwento na hango sa totoong buhay. Kwento ng isang babae na hinihintay mapakasalan ng kanyang boyfriend. Ilang taon na silang nasa LDR at ilang taon na rin siyang umaasa na mangyari ang gusto niyang mangyari. Ang makasal sa taong mahal na mahal niya.  5 taon na siyang naghihintay pero parang wala pa ring nangyayari sa relasyon nila . Sa tingin niyo papakasalan kaya siya nito ? Well , Without further ado. Watch the Hugot Serye of Miss Whisperer na may title na LDR : Long Distance Relationship. Para malaman natin ang buong kwento



“Ang saya ko habang pinapanuod ko yung video. Nabigyan ako ng pag asa lalo na yung part na umuwi na sa pilipinas yung guy. Kinilig din ako. Pero nagulat ako sa twist ng kwento” – Netizen 1

“OMG! Pareho kmi nung girl. Pareho kami na lumalaban para sa relasyon. Ang hirap kasi mawalay sa taong mahal mo. Yung gusto mo sya lambingin pero wala siya. Yung mga boses na lang niya nagpapasaya sayo pero minsan hindi mo pa marinig kasi busy siya o kaya pagod naman siya” – Netizen 2

“Buti nga ngayon may mga video chat na, dati eh sa sulat lang umaasa yung mga taong nasa LDR. Mas mahirap yun” – Netizen 3

Hindi Madali Ang Long Distance Relationship , 5 Taon Na Umaasa Na Pakasalan Ng Boyfriend Hindi Madali Ang Long Distance Relationship , 5 Taon Na Umaasa Na Pakasalan Ng Boyfriend Reviewed by Boom on 1:56 AM Rating: 5

No comments