"Today I Saw God" Trending ang Isang Netizen sa Kanyang Post


Trending ngayon sa mga social media platform ang post ng isang netizen na si Mandy Viray na kung saan ikinuwento niya kung papaano niya nasaksihan si God sa totoong buhay. Sa post niyang ito maging ang malalaking facebook pages tulad ng Philippine star, News 5, Boompanot.com at Kami at ishinare na rin ang kanyang viral post. Ang mga netizens naman na nakabasa at nakakita ng post ay naantig ang mga puso.

Sabi ni Mandy Viray sa kanyang post
Today, I saw God. It was a precious encounter!
So nasa Mercury ako kanina to buy my Meds when I overheard the Pharmacist and si Nanay na bumibili ng gamot.
Pharmacist: 1,100php po lahat
Nanay: (nilabas ang supot puno ng barya). Pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? 200 lang pera ko pasensya na.
Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi nya. Sabi ni Kuya sa Pharmacist, "Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni Nanay."
Tuwang tuwa si Nanay grabe yung pagpapasalamat nya kay Kuya.
Nung naibigay na ang gamot, di ko makakalimutan yung eksaktong sinabi ni Kuya kay Nanay...
"Nay, di sakin galing yan, sa Dios yan galing. Sa Dios po tayo magpasalamat."
Yes, I saw God today. "
Marami namang netizens ang naantig sa kwento na ito ni Mandy Viray. Umani ito ng ibat ibang papuri at yung iba ay nagbahagi rin ng kani kanilang kwento



 Kahit sobrang hirap ng buhay ngayon, nakakatuwang isipin na merong mga taong handang tumulong sa kapwa. Pero sabi nga ni kuya, wag tayo magpasalamat sa kanya sa Diyos tayo magpasalamat

"Today I Saw God" Trending ang Isang Netizen sa Kanyang Post "Today I Saw God" Trending ang Isang Netizen sa Kanyang Post Reviewed by Boom on 12:57 AM Rating: 5

No comments