Ito Na Ang Kalagayan ni Mura Ngayon Matapos Mawala sa Showbiz


Sinong makakalimot sa tambalang Mahal at Mura ? Sumikat  noon ang kanilang tambalan sa isang noontime show na pinangungunahan ni Willie Revillame. Ngunit ilang taon makalipas mahinto ang pag ere sa programang iyon  ay unti unti ng nakalimutan ang makulit  at masaya nilang tambalan.  

Marahil ay naririnig nyo pa rin at updated pa rin kayo kay Mahal Tesoro , pero ang katambal niya na si Mura ay tila ba naglaho na lang na parang bula sa mundo ng showbiz. Nasaan na kaya ang komedyang ito? Yan ang ating paguusapan ngayon.

 

Salamat sa video na inupload sa channel na Virgilyncares 2.0 sa Youtube at muling naging updated ang mga pinoy sa kalagayan ni Mura.

Mapapansin na hirap  na sa paglakad itong si Mura. Paikaika ang kanyang paglalakad. Dahil daw ito nung naaksidente siya at nagkaroon ng bali ang kanyang buto. Sa kanyang bewang. Sa kasamaang matapos ang aksidente ay hindi na naibalik sa normal ang kanyang paglakad.

Makikita din sa video na luma na at medyo sira sira na ang bahay ni Mura. Ikinuwento din ni Mura na hirap  na ang kaniyang buhay ngayon dahil sa kawalan ng trabaho. Buti na lang at nuong  nasa showbiz pa siya ay nakapagpundar siya ng ilang  lupa kung saan ay nakakapagtatanim siya ng mga gulay na pinagkukunan nila ng ikakabuhay.

 

Matatandaan na naging bahagi si Mura ng ilang patok pelikula kasama si Vhong Navarro tulad ng Agent X44 at D’Anothers. Bagamat matagal na nawala sa showbiz, umaasa pa rin si Mura na balang araw ay muling  makakabalik sa mundo ng showbiz at muling makatrabaho ang kanyang mga kaibigang artista. Pinangako naman ni Mura na kung sakaling makabalik sa pag aartista ay pagbubutihin nya ito.


Ang mga fans naman na nakapanuod ng video ay nanawagan kina Willie Revillame, Vhong Navarro at Mahal na sana ay matulungan nila si Mura sa anumang uri ng paraan na pwede nilang maibigay dito.

Ito Na Ang Kalagayan ni Mura Ngayon Matapos Mawala sa Showbiz Ito Na Ang Kalagayan ni Mura Ngayon Matapos Mawala sa Showbiz Reviewed by Boom on 2:17 AM Rating: 5

No comments