Mahal Sinadya Ang BIcol Para Makita Ang Kaibigan na si Mura


 Hindi akalain ni Mura na  muli pa silang magkikita ni Mahal matapos ang mahabang panahon na mawala sa showbiz. Panuorin natin ang tagpong ito na inupload sa isang Youtube channel.

Muling nabigyan ng liwanag ang mga pangarap ni Mura na makitang  muli ang mga dating kakilala sa showbiz. Ito nga ay noong naitampok ang kanyang kalagayan ng isang Youtube channel na  may pangalang Virgilyncares 2. Naging trending ang video na ito at napanood ng mga million milliong mga netizens.  Nakita sa video na ito ang hirap ng kalagayan ngayon ni Mura matapos siyang maglaho sa showbiz.

Nasa Bicol ngayon si Mura at naninirahan kasama ang kanyang pamilya. Walang trabaho ngayon si Mura dahil na rin sa aksidenteng nangyari sa kanya nuon. Hirap na siyang maglakad at medyo paika ika na. Salamat na lang sa lupang naibili niya noong nasa showbiz pa siya at kahit papaano ay nakakapagtanim siya ng mga gulay para merong silang makain ng kaniyang pamilya.


Dahil na rin trending na video na ito, muling nabigyan daan ang muling magkikita ng dating kaibigan at katambal na si Mahal. Nagkaroon ng halong halong emosyon ang tagpong ito. Panuorin ang video na inupload ng vlogger na si Mygz Molino.



Nabigyan ng break si Mura sa showbiz ng itambal siya kay Mahal sa isang noontime live show na pinangungunahan ni Willie Revillame. Dahil nga ditto ay naging sunod sunod na ang showbiz break ni Mura at naisama pa siya sa ilang mga pelikula tulad ng D Anothers at Agent X44 na pinagbibidahan naman ni Vhong Navarro. Pero sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang nawala sa kasikatan itong si Mura.

Sana ay maipagamot na ni Mura ang kanyang pilay na nakuha niya ng siya ay maaksidente. Sana rin ay mabigyan ulit siya ng chance na makabalik sa showbiz. Talented naman siya at meron ding ibubuga sap ag aartista. Gaano man kaliit si Mura doble doble naman ang laki ng kanyang puso pag dating sa pagmamahal sa kanyang pamilya at mga kaibigan.





Mahal Sinadya Ang BIcol Para Makita Ang Kaibigan na si Mura Mahal Sinadya Ang BIcol Para Makita Ang Kaibigan na si Mura Reviewed by Boom on 1:51 AM Rating: 5

No comments