Matapos Ang Break Up, LJ Reyes Hinangaan Dahil sa Kanyang LAtest Photshoot


Sabi nga nila kapag ang babae, nagmahal , nasaktan tapos naka move on ay mas lalo itong gumaganda. Ganito ang naging sitwasyon ni LJ Reyes matapos ipost sa kanyang social media account ang kanyang latest photoshoot sa New York, USA.

Kamakailan nga lang ay ginulat tayo ng balitang naghiwalay na ang celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Marami ang nabigla sa balitang ito. Sino ba namang mag aakala na maghihiwalay ang dalawang celebrity na sobrang  sweet pag dating sa kanilang mga social media post. 

At sa hindi inaasahan  na pangyayari ay lumabas na ang balitang naghiwalay na nga ang dalawa at nagpunta na pala si LJ Reyes sa America para makapag move on. Walang malinaw na dahilan kung bakit naghiwalay sina LJ at Paolo, may mga balitang nagsasabi na dahil daw sa 3rd party kaya naghiwalay ang dalawa,  pero meron ding nagsasabi na baka  daw problema sa pera. Hindi naging malinaw ang rason at nanatiling tikom ang bibig ng dating magkarelasyon. Sa isang social media post ni Paolo Contis ay sinagot niya ang ilan sa mga allegasyon na binabato sa kanya. Sinabi ng Aktor na inaamin niya na sa mga panahon na magkasama sila ni LJ ay naging marupok siya at kinakahiya niya ang kanyang mga ginawa. Humingi rin sya ng pasensya sa mga nagawa niya.

Matapos nga ang hiwalayan ay nasa USA na nga si LJ Reyes para simulant ang bagong yugto ng kaniyang buhay. Alam naman natin na nuoon pa ay maganda na si Lj Reyes pero kakaibang LJ Reyes ang kanyang pinakita sa kanyang latest photoshoot na pinost sa kanyang Instagram Account.

 

Dahil sa mga larawang ito, marami ang humanga kay LJ. Pinakita niya ang tamang approach kung papaano haharapin ang mga problema. Oo nga naman, lahat tayo magmamahal, tapos baka masaktan, kung mangyari man yun, dapat tuloy pa rin. Bangon lang. Harapin ang kinabukasan ng may buong tapang. Good LJ

Matapos Ang Break Up, LJ Reyes Hinangaan Dahil sa Kanyang LAtest Photshoot Matapos Ang Break Up, LJ Reyes Hinangaan Dahil sa Kanyang LAtest Photshoot Reviewed by Boom on 2:05 AM Rating: 5

No comments